Napapagod na ako. :stubborn:
Nakakasawa na ang magpuyat, mag-OT, at mag-double-shift (minsan triple pa!) sa office kapag may hinahabol kaming deadline.
Dati ang akala ko, hindi lang ako marunong sa Time Management…
Pero hindi nga ba? Ah ewan…
Ngayong summer, kaliwa’t kanan ang team buildings…halos every week meron.
Most of the time ayoko sumama, pero minsan hindi ako makatanggi…
Kailangan kasing makisama…
Gusto ko ng maraming time sa anak ko lalo ngayon na nagsu-summer school sya…
Gusto ko ng maraming time sa pamilya ko…
Gusto kong dalawin ang Mama, Papa at mga kapatid ko sa Mandaluyong
Pero wala akong oras…
Minsan may oras nga, wala naman akong energy.
Mahal ko ang trabaho ko,
Gusto ko ang ginagawa ko
Pero minsan di ko parin maiwasan…
Sobrang nalulungkot talaga ako… :confused:
Tulad ngayon…
I need super powers…
Yung gaya ng kay Superman.
Saan ba nakakabili nun?
Minsan naisip ko, alin nga ba ang mas mahalaga?
Ang masarap na buhay dahil maraming pera?
O ang oras sa pamilya kahit sapat lang ang meron ka sa bulsa?
Nakakatakot ang mabuhay na sapat lang ang kinikita
Paano ko tutulungan ang mga magulang ko?
Paano makakapag-aral ang bunso kong kapatid sa kolehiyo?
Nakakaloka ‘yun di ba?
Pero minsan sa totoo lang, gusto ko ng sumuko… :stubborn:










